Paghahanda

Magpapa-forum ang University Student Council at Engineering Student Council: "BALITAKTAKAN AND ENGINEERING CONVERSATIONS: eUP," ngayong Oct 6, 2015, 4-7pm, sa Engineering Theatre. Bali-balitang sisipot si PAEP mismo at ang kanyang buong eUP Team. Masaya to! Excited ako at ilan sa aking mga ka-orgmates!

Kailangang paghandaan. Ito ang ilan sa mga bagay-bagay na pwedeng pag-isipan.

1. Optics

Masyadong sensitibo si PAEP sa kanyang imahe; abala sya sa optics, photo ops, press releases. "Show of force" ang inaasahan natin mula sa kanya sa darating na forum.

Ang dami ng bilang ay panlabas lang. Alam naman ng mga insiders na ayaw ng dalawang VPs ni PAEP si Caro, ang eUP Director. Alam kasi ang tunay na karakter nya ng mga matagal na sa UP at napagbulungan na itong dalawang VPs na 'to. Nag-insist lang talaga si PAEP kay Caro dahil wala na daw syang ibang mahanap na pamalit o willing makatrabaho sya. Kaya ang dami nila sa forum ay hindi nangangahulugan ng tunay na pagkakaisa and pagkakasama-sama.

Wala na rin yong mga gumagawang nauna ng SAIS at ibang eUP core systems. Nag-resign na o di kaya (doon sa mga ayaw nilang i-renew) na-endo ("end of contract" na). Mismo yong kanilang mga "change managers" ay naka-ilang palit na. Dahil di nakayanan ang pagbabago mismo sa loob ng eUP? Papalit-palit na rin ng mga heads ng ibat-ibang system development teams. May naghihimutok din sa loob, dahil yong naka-assign sa SAIS ay bigla na lang nilipat-lipat sa ibang projects at mga raket ng ITDC/UP System IT Foundation. Akala mo lang na malaking raket na ang eUP, pero hindi pa sila nakontento dito at kumukuha pa ng dagdag na mga raket sa labas ng UP. At nagtataka ka pa ba kung bakit di matapos-tapos ang eUP? Mahigit 100 ang sana empleyado ng eUP, pero ilan lang ba talaga ang gumagawa ng SAIS at iba pang core systems?

Kaya optic lang yang dami. Focus lang tayo doon sa malalaking isyu. Simula sa mga 'to.

2. "Great" SAIS features

Ang SAIS ay higit pa sa CRS. Yan ang lagi nilang sinasabi. Pero hindi binigyan ng pagkakataong palawakin ang saklaw ng CRS na isama na rin sana ang ibang functionalities, kagaya ng admissions, financial aid, curriculum management. Simula ng naupo si PAEP ay sistematikong pinapatay ang CRS.

Gayon pa man, tama ba ang pagpili ng Oracle off-the-shelf na solusyon na naging malawakan at matagalan din naman ang kailangan customization nito? Isang pahirapang Oracle SAIS laban sa (sana) ekstensyon ng CRS para isama ang mga sistemang gustong gamitin ng Unibersidad? May cost-benefit analysis bang ginawa sa mga opsyon?

Magkano na ba ang inabot, sa customization pa lang? Bakit ang mga simpleng bagay sana ay di maayos-ayos? Yong "1.0" na grade mo ay "100" pa rin, naka-ilang taon na ang lumipas. Bakit nawawala na ang original student number mo at napapalitan na ng mahabang numero? At may parenthesis pa! Pero pina-iksian naman ang course at section name.

Bakit nga pala "shopping cart" ang gamit pang-enrol ng mga subjects? Lampas isang taon ng hawak ng SAIS team ang CRS database; bakit di pa rin magawa ang migration?

Yong business logic sa SAIS ay di nasang-ayon sa mga polisiya ng Unibersidad. Halimbawa, and "drop" sa SAIS ay naging kanselasyon na lamang ng enlisted slot. Ang pagbago ba nito ay aprubado ba ng mga University Councils ng mga CUs?

Asahan nating ipapaliwanag ang mga "great" functionalities ng SAIS. Pero gumagana ba o "pangako" pa lang? Pero hindi rin kasi kailangang Oracle lang ang mga functionalities na 'to. Tingnan mo, halimbawa, ang Kuali Student. Mero ding ibang cores systems ang Kuali na kagaya ng sa Oracle. Ang Kuali ay open source at libre. Siguradong hindi aabot ng daan-daang milyon para patakbuhin at i-maintain ang Kuali. Pero, eUP, bakit ba talaga Oracle ang pinili mo?

Maraming isyu ang SAIS. Kulang pa ang espasyong ito para talakayin lahat. Kaya sa "surprise" na lang yong iba.

3. Pag-angat ng kalidad ng diskurso

Ang sabi po ay ang forum na to ay isang "conversation," hindi information drive. Makikinig tayo, at sana (sana hindi pa huli ang lahat!) makikinig din si PAEP. Kaya sana pantay ang oras ng pros at cons ng eUP, at hindi na lamang kami makikinig sa mga techno mumbo-jumbo at mga marketing materials na cut-and-paste lang naman mula sa Oracle at mga suppliers ng eUP.

Hindi purong technical lang ang usapin ng eUP. Mas mahalaga, ito ay nasa lebel ng governance. Ang nakasalalay dito ay ang maayos at makabuluhang gamit ng pondo ng bayan at kalayaang magpasya ng Unibersidad kung aling daan sa teknolohiya ang tatahakin. Ano pa bang mga alternatibong solusyon maliban sa Oracle? May pag-aaral bang ginawa kung alin ang mas bagay sa Unibersidad? Napasubo na lang ba tayo sa Oracle?

Sa mga pagtitipon na hindi nakikinig ang DBM at ibang ahensya ng gobyerno, laging sinasabi ni PAEP na maraming pera ang UP. Siguro nagagalingan sya sa sarili nya na maghanap (at magwaldas) ng pera. Pero sustainable ba tong pinaggagawa nya? Ang hatol ay labas na sa kanya, kahit presidente pa man sya ng pamantasan. Malapit na syang umalis. Ang maiiwan ay ang fakulti, mga kawani, mga susunod na mga estudyante na may dagdag pa sana na pondong magagamit para sa mga makabuluhang proyekto.

4. Totoong ginastos ng eUP

Natanong na yan dito noon. Pero siempre, sasabihin ni PAEP na di pa lupampas sa budget ang eUP. Taliwas naman ito sa sinasabi ng sources natin. Kaya tapusin na sana ang usaping ito at magpakita na lang sya ng COA-audited financial report ng lahat ng mga nagastos kaugnay sa eUP.

Pero ang maliwanag, kung ginawang in-house ang development ng mga sistema, gawing customization man ng open source na software kagaya ng Kuali o ekstensyon man ng kasalukuyang CRS, ay siguradong maliit masyado kumpara sa gingastos ng eUP. Sa aming pananaliksik at mga panayam, nakita namin itong isang naging estimate ng ilang fakulti sa development ng ibang systems noong 2012. Sa personnel cost, base estimate ng isang in-house development, yong isang bilog dyan sa baba, ay mga 2 milyon ang naging development cost para sa CRS.
Taong 2012 yan, nagsimula pa lang ang eUP noon. Binabalaan na si PAEP noon ng mga fakulti at staff na maging runaway spending ang eUP. Eh, di nakinig! Kaya pas-an nya ang lahat ng kapalpakan ng eUP ngayon, pati na rin yong kanyang mga bata na akala nya kilala nya.


Tingnan din

Operational Excellence

Ano kamo? Naawa ka doon sa mga estudyante ng UP na di kayang magbayad ng mas mamahaling dorms? UP alumni kayo at gusto nyong mag-donate? Ok yan! Punuan mo na lang yong mga naipong pera ni Mang Fred dahil sa kanyang "operational excellence" na nagagawa ng eUP.

P14M para sa isang server?!

Tingnan mo ang UP Gazette na to (pahina 37). Enero 2013 yan; wala pang mga sistemang nagawa ang eUP noon, pero kailangan na nilang bumili agad ng "Backup Mirror and Server" sa halagang P14,718,115.00. Saka ka na lang magtanong kung magkano ang isang backup server. (Curious? Ito.) Alam mo kung magkano magpa-ayos ng isang dorm, di po ba?

Umaangal ka sa mga lubak-lubak na daan sa UP? UP faculty ka at walang pundo yong project mo? Sigi, maghanap ka pa ng iba pang eUP "savings" dito sa UP Gazette. Ipada mo na lang sa admin@eupleaks.com ang iba pang mga halimbawa at pagkakataong nakatipid tayo dahil sa operational excellence ng eUP.

Bunch of amateurs!

After all the excessive spending for the eUP project, you might think the project is at least done professionally. Well, that's a nice thought! But if you come close to the different systems, you'll see telltale signs of amateurism on the part of those who developed them.

Most basic: SSL Certificate. It's supposed to be for testing purposes only but the self-signed, test-only certificate has made it all the way to production, say, in SAIS.

What?! eUP cannot procure a legitimate SSL Certificate?! Or do eUP people even know how to set up that thing? Either way, it does not invite confidence in the largest, most wasteful/wasted project of the PAEP administration. Visit the SAIS website and your own browser will scare you off!

In one of earlier instructions from eUP developers, they couldn't even resolve the language issue:

Indeed, may the odds be in UP's favor! Because it's certainly a tough sell from our end. And you still wonder why the project is doomed?

See more amateurism (er, imcompetence) here!


Quick Update

Finally, after over a year in "production," a legitimate SSL certificate has been used. It's a Cloudflare certificate set up correctly across major eUP systems but, as of this update (August 15, 2015), the concerned eUP servers remain vulnerable to BEAST attacks. Check here if the issue remains. However, the dafault now is non-secure (non-httpS) connection, which is actually even more irresponsible, given the sensitivity of UP records involved. With unencrypted login, eUP sites become vulnerable to man-in-the-middle attacks.


Well, that was 5 days ago. Now, it's back to old errors. I rest my case.


Update: November 4, 2015

Right now, eUP's Human Resource Information System (HRIS) and Financial Management Information System (FMIS) are not even on encrypted connection.

The incompetence of these people is bottomless. Irresponsible!