Operational Excellence

Ano kamo? Naawa ka doon sa mga estudyante ng UP na di kayang magbayad ng mas mamahaling dorms? UP alumni kayo at gusto nyong mag-donate? Ok yan! Punuan mo na lang yong mga naipong pera ni Mang Fred dahil sa kanyang "operational excellence" na nagagawa ng eUP.

P14M para sa isang server?!

Tingnan mo ang UP Gazette na to (pahina 37). Enero 2013 yan; wala pang mga sistemang nagawa ang eUP noon, pero kailangan na nilang bumili agad ng "Backup Mirror and Server" sa halagang P14,718,115.00. Saka ka na lang magtanong kung magkano ang isang backup server. (Curious? Ito.) Alam mo kung magkano magpa-ayos ng isang dorm, di po ba?

Umaangal ka sa mga lubak-lubak na daan sa UP? UP faculty ka at walang pundo yong project mo? Sigi, maghanap ka pa ng iba pang eUP "savings" dito sa UP Gazette. Ipada mo na lang sa admin@eupleaks.com ang iba pang mga halimbawa at pagkakataong nakatipid tayo dahil sa operational excellence ng eUP.